Epekto ng Social Media
Ngayon panahon ay laganap na ang salitang social media. Kung tutuusin tayo ay nasa Social Media World na kung tatawagin. Hindi hamak na anlawak ng sinakop at binago ng salitang Social Media sa tao at bansa.
Paguusapan natin kung ano nga ba ang naidudulot ng Social Media sa Tao at Bansa, kung ito ba ay Responsable or Irresponsable sa paggamit?
Ano nga ba ang tinatawag na “Social Media”
Tumutukoy ang Social media sa mga website at application na idinisenyo upang payagan ang mga tao na magbahagi ng nilalaman nang mabilis, mahusay, at sa real-time. Habang maraming tao ang nag-a-access sa social media sa pamamagitan ng mga smartphone app, ang tool na ito sa komunikasyon ay nagsimula sa mga computer malawak na magbahagi ng nilalaman at makisali sa publiko.
Alamin natin kung ano ba ang epekto ng Social Media sa Tao at ibang bagay, kung ano ang dapat itama at gawin mabuti ang paggamit nito.
Pano nga ba nagiging epekto ng Social Media sa Tao at Lugar?
Social Media ay mabilis nakakapagbigay ng impormasyon sa lahat, sa kahit anong oras ay kaya nito magbigay ng kung ano-ano impormasyon. Ngunit ang ganitong paraan ay mayroon hindi magandang idudulot, minsan ang impormasyon na iyong nasasagap ay maling impormasyon o hindi totoong impormasyon. Kahit nasa malayo ay kaya nitong alamin ang mga bagay bagay. Sa gayon ginagawa itong isang mas maliit na lugar kaysa sa dating ito. Dahil nga tinutulungan ka ng mga social media network na makipag-usap sa ibang mga tao na nakabase sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ngunit hindi na naka-pokus ang mga tao kanilang ganap sa buhay dahil kinukuha na ito ng oras nga paggamit ng Social Media.
Isa pa dito ay ang mabilis napapalawak ang iyong sariling sa ibang, dito ay dumadami na ang iyong nakikilalang tao. Napapabilis nito ang paghanap o pagkilala sa iyong nagiging kaibigan. Gayunpaman, ang pagtaas ng paggamit ng mga smartphone ay nakatulong sa pagbabago nito at nakatulong din sa isang bilang ng mga tao na kumonekta sa iba pati na rin ang bago at natatanging paraan. Pagkatapos nito, nagsimula na ring mag-lumawak ang mga social media at nagsimulang magbago ang buong konsepto ng pagkakaibigan. Totoo ito para sa pagkakaroon ng bagong kaibigan, ngunit siguro ito para sa pagpapanatili ng pagkakaibigan. Kapag may mga problemang kailangang harapin malalaki o maliliit kailangan ng lakas ng loob upang maging matapat sa iyong nararamdaman at pagkatapos ay marinig ang sasabihin ng ibang tao. Ang pag ganito ay mabisa sa bahagi ng kung bakit nakakatuwa at nakaka-excite ang pagkakaibigan, at nakakatakot din sapagkat hindi mo lubos alam na kung turing sayo ay kaibigan dahil sa Social media lang kayo nagkakilala at hindi maganda na privacy life ito, hindi pa rin nasisigurado ang iyong pagkakaroon ng madaming kaibigan sapagkat maraming gumagawa o nagkakaroon ng pekeng account para gumawa ng hindi tama at lokohin ang mga tao.
Ang Social media ay malaking tulong sa mga tao ngayon, sa pagkita ng pera kundi sa dagdag o bagong kalaaman ng isang tao. Sa pagkita ng pera ay nagkakaroon na tinatawag na Online business na kung saan napapadali ang transaksyon ng mga tao sa iba. Kahit ikaw ay nasa Loob ng iyong tahanan ay kaya nitong magbigay ng malaking halaga. Sa ngayon ay marami ng kumikita gamit ang Social Media sa pamamagitan ng Youtube, Facebook, at sa pamamagitan ng pag endorso ng mga produkto. Dito na din nila nakukuha o nakikita ang kanilang ginagamit na tao upang kumita. Kaya nitong magbigay ng malaking pera sa tao.
Mabilis na nakakapagbigay ng kaalaman ang social media, sa ngayon sitwasyon (Online class, taong 2020–2021). Naging malaking tulong ang social media para sa mga estudyante. Gamit nito ang pagaaral sa kani-kanilang tahanan upang ipagpatuloy ang pagaaral dahil sa pandemya. Sa Social media kahit anong bagay ay nadidito na dahil halos lahat ng impormasyon ay nandito kaya naging malaking tulong ito sa mga tao lalo na sa mga Estudyante.
Sa magandang naidudulot nito sa tao, mayroon pa din hindi naipapakita ang mga ito katulad na lamang ng
Ang sobrang paggamit ng Social media ng tao o pang aa-abuso nito dahil ang social media ay hindi sapat sa edad ng halos gumagamit nito. Karamihan dito ay bata at wala pa sa tamang edad, napapakita o nararasanan ng ibang kabataan dito ang “CyberBullying” na hindi maganda naidudulot sa tao. Dito kasi nagu-umpisa ang depresyon ng tao.
Kapag naglalaro ka ng isang laro o nakakamit ng isang gawain, hinahangad mong gawin ito sa abot ng makakaya mo. Sa sandaling magtagumpay ka, bibigyan ka pagkasabik at iba pang mga kasiyahan na, na magpapasaya sa iyo. Gumagana ang parehong mekanismo kapag nag-post ka ng larawan sa Instagram o Facebook. Kapag nakita mo na ang lahat ng mga notification para sa mga gusto at positibong komento na lumilitaw sa iyong screen, malalaman mong irehistro ito bilang isang gantimpala, ang pinaka-ginagamit na mga social application para sa mga may sapat na gulang ay ang YouTube at Facebook ginusto ng mga kabataan ang SnapChat at Instagram, habang ang TikTok ay iniulat na pinakamabilis na lumalagong social network sa mga mas bata na gumagamit ngunit hindi lang iyon, ang social media ay puno ng mga karanasan sa pagbabago ng mood.
Sa sobrang paggamit nito ay nagdudulot ito ng pagkalabo ng mata at pagkapuyat na kung saan isa sa mga dahilan upang mawala ang tao. Hindi na naiisip ang sarili sa kagutuman at kaayusan.
Para sa mga tao na Social Media ay iwasan natin ang pagkatutok o pag kaAdict dito. May mga benepisyo pa rin maganda at hindi magandang naidudulot hindi. Mas mabuti alamin ang mga sitwasyon na dapat baguhin. Ang buong mundo at buhay ngayon ay nasasakop na ng Social Media at ng mga teknolohiya. Mas mabuti na gawin pa rin ang nakasanayan noon na maganda naidudulot sa pakikipagkapwa tao.
Mabuting isipin ang sarili at huwag hayaan ito sapagkat tayo lang din ang tumutulong sa atin. Ang social media ay nasa paligid lang magbigay oras sa mga pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay ng naaayon sa tama dahil ang buhay hindi lang sa Social media iikot.
Nagbigay idea at tulong sa paggawa ng blog
https://www.lifespan.org/lifespan-living/social-media-good-bad-and-ugly